Tuesday, January 22, 2013

A Spontaneous Blogpost


I had a weird scary experience while riding a PUV on my home.

Sumakay ako from Batasan, umupo sa may bandang gitna ng fx. After few minutes, along Commonwealth, pumara yung kuya sa likod.

Kuya: Philcoa na?
Driver: Hindi pa. Malayo pa.
K: Ah, sa Philcoa na po ako bababa, sensya po hindi ko kasi alam.

So, pagdating sa Philcoa, hinihintay kong bumaba yung kuya. Pero we reached QC circle na, hindi pa din siya bumababa. Gusto ko na siyang sabihan na, "Kuya, super lagpas ka na". I was so worried dun sa kuya pero ayoko makialam so nagsuot nalang ako ng earphones at nakinig ng music. Pero syempre, may naririnig pa din ako. Before we reach EDSA, naririnig ko si kuya, habang paling-linga siya sa paligid. Akala ko, nagccomplain na siya kasi malayo na. Pero pagtanggal ko ng earphones para pakinggan siya, eto sinasabi niya:

K: Manong, bilisan niyo ho. Bilisan niyo lang.
Driver: Bakit? Malelate ka ba?

Hindi sumagot yung kuya but everytime, hihinto yung fx para magsakay ng pasahero sinasabi niya yun at naffeel kong tensed siya at medyo nanginginig at naluluha.

K: Manong, huwag kayo hihinto, huwag kayo dadaan sa traffic. Bilisan niyo. Para makarating na ako agad kay Tulfo.

Kabado na kami at that point. Yung mga kasakay ko, tinatanong na siya kung bakit ba. Hanggang sa pumara yung babaeng katabi nung Kuya. With a nanginging voice.

Girl: Manong, bababa na ho ako! *sabay bukas ng pinto sa likod ng fx*

Just then and there, naglabas ng baril yung kuya at itinutok dun sa nakamotor sa labas ng fx na sinasakyan namin. (oh my geee, super linaw sa memory koooo)

After nun, black out na ko. Narealize ko na lang na nakababa na pala ako ng fx pati yung mga kasakay ko at nakatakbo ng malayu-layo from where we alighted. Hindi ko na alam yung nangyari sa kuya, sa driver, sa nakamotor and all. :(( But one thing I'm really sure is that I'm aliiiiive!!! Kahit may konting heart attack moment ako dun. :(

Ingat sa lahat ng commuters! Hindi talaga natin sure yung mga ganitong bagay. :(

No comments:

Post a Comment