Sunday, November 20, 2011

NAG-IISANG 11.11.11. (From my Tumblr)

POSTED ON TUMBLR: November 12, 2011
Hindi naman siguro masama kung naniwala ako at pagsapit ng 11:11 kahapon e pumikit ako at ni-recite ang mga nakahanda ko na mga wishes. Pagpasok pa lang ng taon, hinintay ko na yata na dumating ang araw na iyon. Pinipilit ko kasi na lucky number ko yung 1, at sa nangyari kahapon, hindi naman ako nagkamali. 
Kung tutuusin, wala naman talagang nangyaring maganda. Hindi ko pa rin nakukuha ang sched na gusto ko para sa sem na ‘to, hindi natuloy ang Banchetto trip, lumangoy nanaman ako sa tubig ulan, at marami pang ibang pangyayari para sabihin kong hindi maswerte ang araw na ‘yon. Pero dahil sa kaisa-isang bagay kahapon, paulit-ulit kong babalikan ang November 11, 2011. 
Sa araw na iyon, nakatanggap ako ng isang napakahalagang regalo mula sa isang napakahalagang tao:
image
Isinuot niya sa akin ang singsing na iyan bago matapos ang araw. Hanggang ngayon, kapag naaalala ko, hindi pa rin ako makapagsalita. Nauubos pa rin ang mga dapat o gusto kong sabihin. Naglalaro lang sa utak ko yung idea naITO NA BA TALAGA YUN?
Hindi ko naman unang beses nakatanggap ng singsing. Pero iba yung kurot sa puso ng mga nangyari kagabi. Ngayon ko pa lang talaga naisip na mabilis ang panahon. Parang kailan lang, hindi kami naguusap sa personal, ngayon nasa harap ko siya, hawak ang kamay ko, nangangako. Muli akong nagising sa katotohanan na hindi ito biro, na hindi ito simpleng kilig lang. 
ITO NA NGA KASI YUN. Wala na akong ibang mahihiling pa kundi ang patatagin pa kaming dalawa. Kasabay ng 11:11 ang pagtanggap ko sa mga pangakong alam kong mababali— mga pangakong susuklian ko ng hindi mapapantayang pagmamahal. Hindi ko pinagsisisihang sinagot ko ang “Is this Jhei?” text isang taon na ang nakakaraan dahil alam kong maganda ang kinalabasan ng lahat. Buong puso ko ring pasasalamatan ang Formspring dahil pinakilala ako nito sa taong kukumpleto sa akin. 
Katulad ng 11/11/11, na isang beses lang mangyayari sa buhay ng bawat isa, alam kong hindi na ako ulit makakatagpo ng tulad niya. Hindi man ako nakapagpalipad ng mga Wish Lanterns, binagyo man ang pinakahihintay kong araw, hindi pa rin ako bigo dahil nahanap ko na ang taong pinapangarap ko. ♥
—————————-
Mahal kita, Jigs! Maraming Salamat! :*

No comments:

Post a Comment